Sunday, July 27, 2014

Noon at Ngayon

        NOON

NGAYON

             Ibang iba at masasabing mas maunlad na ang panahon ngayon kaysa noon. Ngunit malaki ang naging parte ng mga sina unang tao sa pag-unlad ng kasangkapan, pamumuhay at kabuhayan, dahil kung hindi umunlad ang kultura ng sinaunang tao ngayon siguro ngayon tayo ay papaunlad pa lamang at hindi pa natin natatamasa ang mga kagamitan, kabuhayan at pamumuhay na mayroon tayo ngayon. Masasabi kong sila talga ang mga taong pinagmulan ng mayroon tayo ngayon, ngunit akala natin ay panahon natin ngayon dahil ngayon ay mas pinaganda lamang at mas pinabuti lamang ang gawa ngayon. Ang mga patunay na sila ang pinagmulan ay ang mga artifact na naging ebidensiya ng kanilang pamumuhay noon. Katulad na lang ng mga pininta nila sa mga kuweba ito ay isang ebidensiya na noon pa lamang ay mayroon na silang sariling sining at sinasabing pinapakita nito na may sarili silang pamumuhay noon. Noon ay habang lumilipas ang panahon parami ng parami ng naiimbento na kasangkapan katulad din ngayon na habang tumatagal parami ng parami ang naiimbentong kasangkapan. Ang pamana ng sinaunang tao noon ay patuloy pa ring ginagamit ngayon hanggang sa susunod na henerasyon.

No comments:

Post a Comment